[THE DANGEROUS ANGEL'S SERIES6] MY POSSESSIVE STEP-SISTER ( Diane Allison Casanova )
Alden Dionne Di Caprio. Isang binatang nabuo lang dahil sa kalasingan ng kanyang ama. Lumaki si Dionne bilang simple at marunong makuntento sa kung anong meron ito. Pero hindi lingid sa kaalaman nito na hindi maganda ang pagsasama ng mga magulang kahit pinapakita ng mga ito sa lahat lalo na sa publiko na isa silang maayos at masayang pamilya. Alam ni Dionne na hindi mahal ng ama nito ang kanyang ina. Na napikot lang siya dahil aksidenteng nabuntis niya ito. At si Dionne ang bunga ng pagkakamaling iyon. Lumaki itong na-witness kung paano balewalahin ng ama ang kanyang inang mahal na mahal ito. Pero dahil sa isang babae ay hindi magawa ng ama nitong mahalin ang kanyang ina. Sa pagkamatay ng kanyang ina ay isang paghihiganti ang napagdesisyunan nitong isagawa. Ang hanapin ang first love ng ama niya. Ang babaeng dahilan kaya ni minsa'y hindi naging masaya ang kanyang ina. Ngunit sa mapaglarong tadhana ay mapapaibig ito ng isang herederang laki sa layaw at happy go lucky ang alam sa buhay. Paano niya ipaglalaban ang babaeng iniibig kung mapag-alaman nitong ang dalaga ay anak ng babaeng balak niyang paghigantihan? Itutuloy pa ba niya ang balak na maghiganti? Pero kung kailan nakahanda na itong ipaglaban ang minamahal ay matutuklasan nito ang isang sikretong tuluyang magpapaguho ng katiting niyang pag-asa. Dahil ang dalaga.....ay anak pala..ng kanyang ama.
Unfold
Dionne:
PALAKAD-LAKAD AKO ng silid na hindi mapakali! Hatinggabi na pero hindi pa rin umuuwi si Diane. Hindi ko rin matawagan at wala kaming ideya kung saan na naman siya sumuot matapos mag-walk-out sa opisina kaninang umaga. Napapahilot ako ng sentido. Problemado kung saan na naman siya hahanapin. Nag-aalala na ako dito kaka……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……